Infolinks

Top Reasons kung Bakit Narereject ka ng TAXI Drivers

Naranasan mo na bang mareject? Ang sakit di ba? Ang hirap tanggapin. Pero di usapang lovelife ang mababasa mo dito. Mangungulit lang ako tungkol sa iba't ibang style ng pamimili , pagpapalusot at pang rereject ng mga taxi  driver

TOP REASONS kung bakit Narereject ka  ng TAXI
1. May sundo
2. Pagrahe na
3. Matraffic
4. Malayo
5. Di feel

Eto po ang ilang examples at ang possible reaction at unspoken words  ng mga sawing pasahero gaya ko

Taxi Driver: San kayo, miss?
Passenger: Trinoma lang po
Taxi Driver: Trinoma?....  May sundo pa kasi ako eh

Aba.. eh bakit pa po kayo tumitigil kung may sundo ka pala. Baka malate po kayo nian.
 Ako na lang po  kaya sunduin niyo?

Sana ako na lang. Ako na lang ulit


Taxi Driver: Bossing, san kayo ?
Passenger: Ayala PBCOM
Taxi Driver: Ay matrapik dian. Sakay na lang  kayo sa iba

(Hay sana ako na lang si BOSSING Vic Sotto baka nakasakay na ko)
Kuya, di naman nawawalan ng trapik.
at kuya kailangan nating magtrabaho kahit trapik!
Ayaw mo ba nung parehas tayo makakapunta sa trabaho?


Taxi Driver: Miss, san kayo?
Passenger: Caloocan po
Taxi Driver: Naku miss, malayo yan. Hinde na lang

Hay naku.. Caloocan lang.. Ano kaya ang ibig sabihin ng TO ANY POINT IN LUZON sa
taxi niyo

Taxi Driver:San kayo, Sir ?
Passenger: Guadalupe lang
Taxi Driver: *parang walang nadinig. umabante na lang. DEDMA

Talaga naman... May pa-sir sir ka pa. Di ka rin pala magsasakay
Di mo ko feel? Mabaho pa ko? o di mo lang trip mukha ko?



Taxi Driver: San kayo?
Passenger: Marikina kuya
Taxi Driver: Pa-grahe na ko eh. Sa iba na lang kayo sumakay

Kuya, what if sabihin nyo munang pagrahe na kayo bago kayo magtanong?
Para kasing nagdadahilan ka lang



Eto pa ibang style ng mga taxi driver
Ayaw buksan ang pinto para di makasakay ang pasahero
Sa halip na buksan ang pinto, dahan dahang magbubukas ng bintana at tatanungin kung saan papunta ang       pasahero
Humihinge ng dagdag kahit di ka pa pinasasakay. Di pa nga nagbubukas ng pinto


At dahil sa sunod sunod kong rejection, eto ang banat ko sa sunod na taxi driver.
Inunahan ko na siya ng tanong

Passenger: Kuya, San kayo??
Na-confuse si Manong taxi driver.  Di makasagot.


Ikaw naranasan mo na bang mareject? Masawi sa taxi?  Anong sabe sa yo? Tinanggap mo ba excuse niya?








No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...