Infolinks

Maling Advice sa Pag-ibig


Huwag kang mag-alala darating din yan! Antay antay ka lang.

Hindi magandang ideya ang mag-hintay lamang. Dahil ang pag-ibig parang pag-sasaing ng bigas lang yan. 
Pwede kang maghintay na lang tapos maya maya luto na. 

Pero!! Isang napakalaking PERO. Bago ka maghintay,  kailangan may gawin ka muna. Hugasan mo muna yung bigas sa kaldero, takipan ang kaldero. isalang ang kaldero, at buksan ang apoy.  Iyon ang importante. Di maluluto ang bigas kung di ka naman nagsalang sa apoy. Ganun din sa pag-ibig. Kailangan ready ka na at aktibo. Walang maluluto kung wala kang ginagawa.  Wala kang kanin kung di ka nagsaing. Wala kang nilaga, kung wala kang tiyaga. (Haha kawawa ka naman wala kang ulam)

Isa pang advice. Kung sisimulan mo ang paghihintay? Kailangan tama lang ang gagawin mong pag-aantay. Hinde pwede ang sobra sobra na parang  feel na feel mo ang pagkanta ng I can wait forever
Hinde pwede ang sobra kasi baka sunog na kanin lang ang makuha mo!  Yung tutong nakakain, ang sunog hindi !

Ang solusyon dito ay ang mag-antay at magbantay-bantay. Magmasid-masid ka. Dahil baka ang tunay na pag-ibig mo ay nasusunog na sa titig na iba. Ano  mag-aantay ka na lang 'ba? Kilos kilos din pag may time.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...