Infolinks

Tagalog Horror Stories

Anong horror story ang nadinig mo na? May horror stories ka bang nadinig kagaya ng mga to?

Lutang!

Sa dorm, nakagising si Kuya ng alas kwatro ng madaling araw. Uhaw na uhaw sya kaya kahit pikit na pikit pa ang mga mata ay pumuta sya sa kusina para makainom ng tubig.

Habang lumulunok ng tubig ay nakamasig lang sya sa bintana.
Doon ay nakita nya ang tatlong mama na sabay sabay na nagjojogging.

Pabalik sa kwarto. Naalala nya na nasa ikalimang palapag nga pala siya at imposibleng makakita ng mga taong tumatakbong na halos kapantay mo lamang.

Lutang! Takbo!



Summer Class

Mahilig magsummer class si  Pete. Laking tuwa nya ng malamang magsusummer class din pala ang kanyang kasama sa kwarto na si Baldo. Sila lang kasi ang magkasama at magkausap sa kwarto. Nang malapit nang magsimula ang summer classes..

Pete: Oh bakit ang dami mong dalang gamit
Baldo : Kauuwi ko lang kasi galing probinsya
Pete: Huh. Eh sino yung kasama kong kagabe?



Bayad na sa Taxi

Gabi at malakas ang ulan.Hirap sa paghahanap ng masasakyang taxi ang dalaga.

Sa wakas, may tumigil na taxi sa harapan nya. Pero may lalaking umagaw sa pagbubukas ng pinto.
Akala nya nag mamagandang loob lamang sa pagbubukas pero inaagawan na pala sya ng sasakyan

Manong, sa Binondo nga po ang sabi ng lalaki sa taxi driver
Pumayag ang taxi driver at pumuwesto sa likod ang lalake. Natulog.

Nakarating sa Binondo ang taxi. Nang magising ang lalaki.
Dali dali itong humugot ng pambayad. Kinausap sya ng taxi driver

Bayad na po. Binayaran na po ng babaeng kasama nyo.
Sisingilin na lang daw po kayo next time






.






No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...