Infolinks

Magandang Item para kay Warlock

Ano bang buo mo kay Warlock?


Magandang gamitin si Warlock kapag may SS na to.  Yung skill na nagbabagsak ng malaking higanteng bato na parang kamukha ni Roshan.

Refresher Orb
Ang kaso kay warlock ay ang ang matagal na cooldown ng SS skill nito. Maiinip ka sa kakaantay. Patay na hero mo, di pa cool down.  Ang magandang gawin ay maglagay ng refresher orb na item para refresh o cool down na agad ang skill at pwede na uli gamitin. Ang saya di ba?


Aghanim's Scepter
Nabasa mo ba yung Scepter upgradeable na nakasulat. Lahat naman ng inuupgrade lalong lumalakas at gumaganda  di ba? parang mga tore sa defence games at parang drinks sa mga fastfood meal. Kapag upgraded mas maganda. Yun nga lang mas mahal.

Pero sulit naman ang Aghanims.  Di ba ang lakas na ng isang higante. Paano ba kaya kung gawing dalawa ng Aghanims?

Subukan mong bumuo ng Refresher at Aghanims. Gamitin mo ng tama. Eh di meron ka ng 2 +2 = 4 na summon!!! Astig di ba???


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...