All about Philippine culture, Philippine foods, literature,plants and animals, events and travel destinations
Type ng teleserye sa Pilipinas
Parte na ng buhay Pilipino ang panonood ng teleserye. Parang di kompleto ang isang araw ng masang Pilipino kung wala ang teleserye. Ganito ang karaniwang eksena kapag di nakakapanood ng teleserye
Tapos na ba ?
Kakatapos lang ho
Ay, Sayang, di ko naabutan. Anong nangyari?
Parang tumitigil ang mundo kapag may teleserye. Parang merong laban si Pacman na kailangang panoorin.
Kailangan umuwi ng maaga sa bahay. Kailangan iwan muna ang niluluto. Pero kapag nakaluto na kailangang madaliin ang pagkain o kumain sa harapan ng TV
Bawal manood sa harap ng TV. Ay papatayin ko yan
Ang teleserye ay pinagmumulan ng away
Ba't mo nilipat?
Patalastas pa naman
Ay baka makalampas
Bata, matanda nanood nito.
Di naman kailangan ng isang henyo para mapansin na paulit - ulit lang ang tema ng mga teleserye sa Pilipinas. Heto ang karaniwang gamit sa teleserye
1.Sirena
2.Kambal
3.Ampon o palit palit na anak
4.Mayaman/Mahirap
5.Pulitiko
May mga taong sumikat ang mga kwentong komiks, kwentong superhero at sumikat din ang mga palabas na pinagbibidahan ng mga cute na bata kagaya ng Honesto
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment