Infolinks

Brands na love ng Pinoy

Natatandaan mo ba yung kwento tungkol sa batang ang tawag sa toothpaste ay colgate?
Para sa kanya ay wala ng konsepto ng brand.  Synonymous na ang tootpaste at colgate. Parang ganito TOOTHPASTE = COLGATE at  COLGATE = TOOTHPASTE. Iisa lamang sila.

Sobrang sikat ng colgate sa Pilipinas na lahat ng Pinoy alam na ang colgate ay toothpaste. Kumbaga siya ang toothpaste ng bayan noon pa. Colgate na siguro yan bago pa ko ipanganak.  Di ito gawa ng Pinoy pero andito na ang puso ng Pinoy.

Napaisip naman ako. Ano pa bang bagay ang parang colgate na love na love gamitin ng Pinoy?

Sa bahay namin, ganito kame


Tootpaste = Colgate
No need to explain na to. Pero kung close-up sa  bahay ninyo, maiintidihan ko.


Suka = Datu Puti

Walang duda, mayaman lang ang gumamit ng Heinz. Baka nga di alam ng karamihan na may Heinz vinegar eh. Alam mo ba yun?

Bago mo basahin yung next, isa nga muna na  mukhasim diyan.


Toyo = Marca Pina or Silver Swan
Close fight eto.  I don't care kung sino magkakaroon ng sweet victory o kung sino  ang bitter  as long as parehas naman silang maalat. Hehehe

Towel = Good Morning
Pang masa na towel tp. Pang masa na, Pang kalsada pa.

Dishwashing Liquid = Joy
Kagagawan to ni Michael B.  Isang patak kaya ang sangkatutak

Laundry Soap = Surf
Lumen!!!!!!


Fabric  Conditioner = Downy
Lambot at bangong kapansin pansin. Napansin mo ba yun? Memorize ko na.
Grabeng commercial. Effective! Sana ganan teacher ko sa History at Math. Magaling magpamemorize.

Mas mura yata ang surf pero mas sikat pa rin ang Downy!


Chocolate drink = Milo (inde Ovaltine)
Growing up with Milo kaya tayo. Hmmp? Growing up? baka nga dapat nagovaltine na lang mga Pinoy


Powder juice = Tang
Matagal pa siguro bago ito abutan ng Nesfruta. Although, maganda yung kanta nilang dan dan dan da lan dan

Catsup = UFC
Yung  tamis anghang .. UFC banana catsup ..Again, mayaman lang gumamit ng Heinz hahaha. Pero natutunan ko ng mahalin ang lasa ng Jufran at Heinz. Hahaha mayaman na siguro ako)
Alcohol..

Fast Food = Jollibee
Pero kung magkita tayo sa Mcdo, normal lang din yun. Saka, usually magkatabi naman silang dalawa.


Posporo = Basta yung may  pictue ng gitara

Alcohol = ????
Madame na kasi brands ng alcohol at matindi ang competition pero sure ako alam mo ung slogan na
Di lang pampamilya, pang sports pa

Bottled Water = ???
Andaming brands nito.. Magnolia, Wilkins, Nature Spring, Absolute, Aquabest
Saka kapag sobrang uhaw mo, iinom ka na. Di ka na magaaksaya ng time para mamili ng brand.
Tingin ko ang tamang pagpipilian dito ay malaki o maliit.

Ate may tubig po kayo?
Meron, ano malaki o maliit?


Kung baga bago mo maisip ang ibang brand, tiyak na maiisip mo muna ang mga ito.
Ngayon, naisip ko kung ito ang pinapatronize na mga Pinoy, magkano kaya ang magagastos nila?

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...