Ang populasyon sa Pilipinas ay tinatayang aabot sa 100 Milyon sa pagtatapos ng taong 2014.
Tinatayang pang labindalawa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na populasyon sa mundo
1.Kakulangan sa impormasyon
2. Mas magandang pasilidad na pang medikal
3.Maaagang pag-aasawa
4.Walang pag-plano sa pamilya (family planning)
5.Tumatagal na buhay (long life expectancy)
6.Matagumpay na pag-iwas sa pagkamatay ng mga sanggol
7 Pandarayuhan (Migration)
Ang paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay maaring magdulot ng kahirapan kung hinde patuloy na darame ang trabaho sa Pilipina. Maari ding magdulot ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng kakulangan sa pagkain dahil tataas ang demand.
Ang mataas na populasyon ay mas mahirap ding pamahalaan at pangalagaan. Kung hindi makakapagtayo ng panibagong pasilidad kagaya ng paaralan at ospital magkakaroon ng problema sa edukasyon at kalusugan dahil magsisikan o mag-aagawan ang mga tao. Ang pagtitipon tipon o pamamahay ng malaking grupo ng tao sa isang maliit na lugar ay mangangahulugan din ng mabilis na pagkalat ng mga sakit.
Mas malaki din ang tsansa ng pagkasira ng kalikasan kung darami ang populasyon at polusyon dala ng mga basura ng tao.
No comments:
Post a Comment