Infolinks

Nakakainis na Eksena sa Dyip

May nakakainis ka bang experience sa loob ng dyip?
Di ka nag-iisa. Sa pagiging estudayante ko, matagal-tagal na na rin akong pasahero ng dyip.
Sakay. Baba. Lakad. Sakay. Baba. Lakad. Ilang taon na. At paulit-ulit akong naiinis sa ganitong mga pangyayari


1. Sumakay ka ng dyip. Laking tuwa mo na may maliit pang puwesto na sa tingin mo ay magkakasya ang puwet mo.  Ang saya di masyado malayo.  Pero ano ang ginawa ni kuya? Umipod. Ano ginawa ng katabi niya? Umipod din. At si ate? Umipod din. Lahat sila parang ayaw akong katabi. Parang hindi sila boto sa itsura o di nila trip ang amoy ka. Huh! Ang saya sa dulo na ko nakaupo.

Tip: Epektibo ito pero hinde 100%. Sabihing sa kanto ka lang bababa. Malapit lang

2. Yung pakiramdam na nakaupo ka sa imaginary chair. Nakasquating position ka sa loob ng dyip at ang braso mo na lang ang nagdadala sa yo para di ka malaglag.  Di ka makasiksik dahil wala ng sisiksikan. Nagsisi ka kung bakit sumakay ka pa. Pero huli na ang lahat.
At ang masaya pa nito, hirap na hirap ka na pero parehas pa din ang bayad mo


Tip: Abangan ang preno. Wala ka ng aabangan kung hinde ang mga preno ni  kuya. Baka sa pagpreno nya eh macompress ang mga tao at magkaroon ka ng pagakakataon.



3.Late ka na nga, tigil pa ng tigil ang dyip. Bawat kanto hinihintuan kahit wala namang pasaherong pumapara. Walang bumaba, walang sumasakay

Tip: Ipadyak ng ipadyak ang paa at tumingin ng tumingin sa relo.. Ipahalata kay Kuya na nagmamdali ka na
1.Huwag sisihin si Manong driver. Routine nya ang maghintay ng pasahero. Hindi nya kasalanan na late ka sumakay sa dyip niya

4.Ang walang katapusang paabot ng bayad.
Walang katapusan abala. Kung pwede nga lang magtulug-tulugan na lang ay ginawa mo na

Tip: 1.Isipin mong professional kang taga-abot ng bayad. Pwede ring isipin mo na lang na may commission ko sa bawat inaabot mo.
2. Lumipat ng pwesto. Ganun lang kasimple.

5.Ang walang katapusan, paabot ng sukli.
Syempre kung may bayad, pwedeng may sukli

Tip: (alam mo na ang dapat gawin)


6.Additional Stop Over. Parang katulas ito ng number 3.
Ang tagal tagal na nga ng biyahe mo, kung ano ano pa ang dadaanan ni Kuya.
Magpapagas, Bibili ng yosi at kendi,  minsan may mga ibaba pang delivery

7. Lipat na lang po kayo sa kabila.
Isa sa mga pinakanakakainis. Ayos lang kung nasiraan pero minsan kasi walang sapat na dahilan.
Gusto lang nila mapaaga ng uwi o makadame pa ng biyahe.

Tip: . Make sure na makuha ang iyong refund.
Make sure na magkaroon ng pwesto sa lilipatan.

8. Dantay at Sandal moves.
Minsan may makakatabi kang sandal ng sandal sa yo. Tulog kasi ng tulog.
Kapag nagising, mag sosorry tapos tutulog uli at lalawayan ka uli.







No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...