Infolinks

Mga Halimbawa ng Salawikain

Bawat salawikain ay may kahulugan. Ang ilan ay madaling maintindihan subalit mayroon ding may malalim na kahulugan. Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga salawikain gaya ng ...


Kung ano ang puno, siya ang bunga

Nakakita ka na ba ng puno ng mangga na namunga ng niyog? O puno ng niyog na namunga ng mannga?
Isang kahulugan ng kasabihan nito ay tungkol sa magulang at mga anak.  Kung ano ang magulang, sya rin ang mga anak. Ibig sabihin kung mabuting tao ang mga magulang, magiging mabuti rin ang kanyang mga anak.

Maari mong madinig ang kasabihang ito kapag nasasalamin ng mga tao ang ugali ng magulang sa kanyang mga anak.


Isa pang pakahulugan nito ay tungkol sa bunga ng ating mga gawa. Kung maingat at maayos tayo sa  ating trabaho, tiyak na ito'y mamumunga ng maayos. Sa kabilang banda, kung hindi maayos ang ating trabaho, di rin magiging maganda ang resulta - maaring maging masama ito o bulok.


Ano man ang gagawin, makapitong isipin

Mag-isip muna ng mabuti bago kumilos.  Kung tayo'y padalos-dalos sa ating mga kilos  baka may magawa tayo na di mabuti. Para di magsisisi, pag-isipan muna ng pagisipan ang bawat gagawin.

Matalino man ang matsing, napaglalamangan din


Ang tunay na paanyaya, may kasaman hila


Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit


Huli man daw at magaling, naihahabol din

Daig ng maagap ang taong masipag

Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga


Ang maniwala sa sabi-sabi, Walang bait sa sarili

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao


Sakit ng kalingkingan, dama ng buong katawan


Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...