Infolinks

Mahirap maging late

Ang hirap maging late lalo na kung wala kang excuse.
At most of the time, malamang Wala.
Akala mo lang wala pero ..... talagang wala

Mahirap malate lalo na kapag honest ka
Lalo pa't di ka naniniwala sa lies at white lies
Di mo pedeng sabihin na nagkaroon ng imaginary aksidente sa kalye


Mahirap maging late lalo pat ang bagal ng biyahe
Para kang tinotorture sa biyahe.
Walang peace of mind
Bawat tigil ni manong driver para gusto mo sa isweet talk na kuya tara na
o sigawan ng Ano ba kanino pa tayo dito ah?
Kung kabayo lang siya baka hinampas hampas muna para kumaripas

Naiinis ka na sa mga engineers dahil wala pa silang naiimbentong lumilipad na kotse
Naiinis ka sa mga scientist dahil wala pang nilalabs na instant transportation
Isang pikit lang..Welcome to destination na !
Minsan nagiging creative ka na
Na parang ikaw na yung gustong mag design ng new generation of transportation


Mas mahirap maging late kung matatakutin ka
Bakit?
Sa biyahe pa lang, maiisip
Oh syet lagot ako 
Mahuhuli kaya ako
Arrghh.. Mapapagalitan ako 
Abot pa kaya ako ng meeting?
May aabutan pa kaya
Mapapahiya ako 
Torture yan ! Torture

Ilang beses mo man icompute ang oras ng pagdating mo alam mong di ka aabot
at di rin bibilis ang biyahe mo

Kapag late ka at nagmamadali
Bumibilis ang oras sa yo at bumabagal sa iba
Ang tagal tagal dumating ng taxi
Ang bagal bagal mag green light
Ang bagal magpatakbo ng sasakyan

Mahirap maging late kung wala kang rason
Paano mo sasabihin nalate ka ng gising?
Kelan pa naging valid reason ang late nagising

Well pwede kung late ka nagising dahil sobrang late ka na natulog dahil sa kaadikan mo sa trabaho
I believe hinde ito ang case mo
Kung adik ka sa trabaho, malamang sobrang aga mo nagising

Ang pwede mo na lang talaga sisihin ay ang traffic sa EDSA
na bago ka pa natulog ay alam mo ng magiging traffic sa EDSA
lalo na kung Friday
Sabi nga ng isang boss
Alam mo ngang trapik, di ka pa umaga ng gising


Mahirap maging late dahil kahit nakarating ka na
Kailangan may sapat ka ng kapal ng mukha, kung papasok ka ng late.
Kung wala ka nito, kailangan maparaan ka.
Paano ka magiging si Inivisible Man
Kailanagn alam mo kung paano Mag Move like Jagger
Memoryado mo dapat ang buong office nyo at kung saan pumupwesto ang bawat tao
Saan nakaupo ang mga friends, facebook friends lang at ang mga managers
Kailagan maiwasan mo yung mga taong sumisigaw ng 'Bakit ngayon ka lang?"
Kung pwede mo nga lang sya sagutin ng pakanta at sabihing duet na lang kayo
Wag naman sang may sumigaw sa yo
Dahil sayang ang lahat ng sneaky move na pumassok ng late ng walang nakakapansin
Lalong tapos ka kung wala kang nakahandang matinong answer

Mahirap maging late
Masakit sa pakiramdam na tumitingin sa relo ang officemate mo pagkadating na pagkadating mo
Yun tipong confuse sa sarili... tama ba orasan ka?
At nung moment na sure na sya na tama ay parang gusto nyang sabihin
Anong oras na? Pumasok ka pa
Boom! Sana nag SL na lang ako

Sana nag SL ka na lang
Di mo nagawa kasi wala ka namang sakit
And again wala kang dahilan
Di ka sick.. di ka feeling sick
Feeling sick of work, pwede pa.
Pero di valid excuse yun para mag sick leave
Kung sa inyo ay valid yun
Malamang binabaha ng resume ang opisina nyo

Why are you late? There are multiple answers but none of them is correct
a.Traffic
b.Heavy Rains
c.Forgot something
d.Feeling sick
e.All of the above

Pero bakit nga ba nagiging late ang isang tao ng walang valid reason
Bago pa ito naging routine, malamang may dahilan

Tingin ko number 1 reason nito ay ang kawalan ng motivation.
Yung feeling wala namang dahilan para pumasok. Wala namang mawawala o kaya ay wala namang mapapala. Nakakawala ng gana


Pero ano nga ba ang solusyon?
Ang solusyon dito ay ang pagiging RESPONSABLE.
Eto rin naman dahilan kung bakit pumapasok ka pa kahit late
Dahil kahit papano labag pa rin sa loob mo ang maging sobrang totally pasaway

If kulag ka pa rin nito, kailangan mo humanap ng more Responsibilty na magagawa mo o kaya naman ay More inspiration :)

Pwede ring 'Be your Own Boss' para meron kang your own magic clock kung saan walang on time, walang late!

Hay! Peram naman ako niyan





Next article .. Difference ng pagiging late sa school at office
Malate ka na sa school, sa work at kung saan saan pa wag lang sa first date!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...