Eto ay ilan sa mga mahihirap o malalim na tagalog at mga salitang hindi natin madalas madinig .
Ang ilan sa mga ito ay may halimbawa, may translasyon sa Ingles, o ginamit sa pangugungusap
1.takipsilim - dapit hapon, (nightfall, twilight)
Ang sarap pagmasdan ng takipsilim sa dalampasigan.
2.panaghoy - daing ( whine, mourn)
Sana ay madinig ng bayan ang panaghoy ng mga bagong bayani
3.Atungal - sigaw
Nakakabasag tenga ang atungal ng nasaktang baka
4.Masukal - madumi, madamo (weedy, wild, savage)
Ayaw kong dumaan sa masukal na kagubatan dahil baka makagat ako ng ahas
5.Kaibuturan - kailaliman, kaloob looban (innermost)
Nakuha ni Dyesebel ang perlas sa kaibuturan ng dagat
6.Tugatog - kataas taasan (peak, top, climax)
Nakamit ng aking kaibigan ang tugatog ng tagumpay ng siya ay makapagtapos sa kolehiyo
7. Agiw - maruming sapot ng gagamba (spider web)
Maglinis ka ng kisame para mawala ang agiw
8.Alibadbad - pagsusuka, Masamang pakiramdan (Nausea, uneasiness)
Ilayo mo sa 'kin yan dahil naaalibadbadan ako.
9. Kawangis - Katulad , kamukha(similar)
Kawangis mo ang dalagang dati kong inibig
10. Rimarim - suklam (detestation, repugance)
Karimarimarim ang ginawang mong asal sa harap ng bata.
No comments:
Post a Comment