Infolinks

Top Gifts sa Kris Kringle na ayaw mo nang matanggap

Top Gifts sa Kris Kringle na ayaw mo nang matanggap

Simula elementary sumasali na ko sa kris kringle. Di ko pa natrace kung anong taon naging regular na gawain to sa schoolpero tingin ko panahon pa ng nanay at tatay ko to.Taon taon ang aking pagsali kaya alam na alam ko na na may risk sa pwede mong matanggap
na regalo. Minsan pa nga 2 o 3 beses pa ko kasali sa kris kringle.

Heto yung common na wish ko ay di na lang common na regalo.

1. Alarm clock.

Eto yung mga alarm clock na binebenta sa kalsada at sabay sabay na tumtunog ng Tuu tu tu tut. Tu tuu tuut.
Alam ko kadalasan nalalate ako pero di ko na kailangan ng alarm clock.
Kailan man ay di naging permanenteng sagot ang alarm clock sa aking pagiging late.
Mas mahal ko pa rin ang kama kesa alarm clock.  Sa kama may comfort, sa alarm clock puro noise.

Please kung reregaluhan mo ako nito. Samahan mo naman ng baterya.


2. Photo Album
Salamat sa facebook. Nung sumikat na ang facebook, nalaos na sa wakas ang photo album
Siguro kug reregaluhan mo ko ng photo album na may lamang pcitures, maapreciate ko ng sobra sobra yun
Pero photo album lang, wag na lang

3. Towel
Good morning towel kadalasan. Kung hindi man good morning basta towel na hinde bathroom towel. Yung maliit lang.

Buti naman at wala na ko sa elementary. Nakakatuwa nga ang theme na naririnig ko ngayon.
Na-try nyo na ba kris kringle ng something not useful. Ang creative lang ng mga dumarating na regalo.
Saka at least ito, parang ok lang na di mo magustuhan yung regalo. Something not useful nga di ba.
Isang regalong naalala ko dito ay 2012 na calendar. Isang napakagandang calendar. Yun nga lang 2012 pa ang petsa.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...