Infolinks

Bakit Single ka pa rin? Reasons Kung Bakit Single ka

Single ka ba? Minsan ba natanong mo sa sarili mo kung bakit single ka pa rin? Paano mo sasagutin?

Kung ako kaya paano ko to sasagutin. Di ko rin alam eh. Sure ako na magkaiba ang rason ng mga babae at mga lalake pero pwede pa ring magakapareho.

1.Walang nagkakamali 
Tingin ko ito ang Top answer ng mga kababaihan.
Syempre gusto mo ng sagot na medyo pajoke para mahide ang totoo mong feelings

Hindi ko bet ang ganitong sagot dahil parang walang confidence ang nagsasabi nito.
Kung ako ang lalaki baka maturn off ako sa ganitong sagot dahil mag-iisip ako.
Walang nagkakamali? Is there really something with you?  baka ikaw ang  nagkakamali?

2.Walang nanliligaw / Walang Maligawan Hinde nanliligaw

3.Perfectionist/ High standard
Gusto mo ng maraming M... Magandang katawan, mayaman, mabait

4.Ibang priority
May gusto ka siguro maachieve other than romantic life? Magandang career?

5.Di pa nakamove on
Move on, move on din pag may time. Kung di ka talaga makamove, sige balikan mo yang Ex mo.
Pero kung di na talaga pwede, ano single ka na forever?

6.Di alam kung anong gusto
Mahirap to. Usap tayo pag alam mo na

7. Di naghahanap
Umaasa ka na lang sa kung anong darating. Kung ano ang ipagkaloob.
Madame nga dumadaan pero kung ikaw si Number 3, wala ring papasa.

8.Tamad
Parang ganito. Wala ng explanation. Tamad lang

9. Pera o Kapareha?
   Kung makikipagrelasyon ka tiyak na gagastos. Kahit gaano ka pa katipid, gagastos ka pa din.

10.Oras o Romance?
Iniisip mong wala kang oras para simulan at ipagpatuloy ang isang relasyon. Di mo alam kung saan mo isisigit sa busy mong schedule. Ang dami mo pa kayang aaralin o ang dami mo pang work.

11. Masaya ka na o masaya ka pa
In-love ka na. In-love ka sa mga bagay na ginagawa mo ngayon. Facebook games? Barkada? Hobbies? Volunteer Work? Family ? Kontento ka or feeling kontento sa kung ano mang meron ka ngayon

12. Di  ka socially active
Wala kang nameet na match sa yo dahil routine ang ginagawa mo. Bahay, school o work lang pero alam mo naman na wala dun ang dream partner mo.
Lumabas ka naman minsan. Magvolunteer, Mag-bar, mag-travel, makijoin sa iba pang social group.

13. Di allowed ng parents
Strict ang parents ko eh. Nasa huli ang rason na to dahil sa tingin ko kakaunti lamang ang ganitong case.
Kung ito ang rason mo, maliit lang ang chance na may magtatanong sa yo at malamang di mo na rin tatanungin ang sarili mo.


So anong rason meron ka kung bakit ka single? Naisip mo na ba?
Sa paningin ng iba, maaring immature ka kung ginamit mong rason ang ilan sa mga nasa itaas.
Sa tingin ko, ikaw pa rin naman masusunod sa gusto mo gawin. Kung ayaw mo na maging single, kailangan may gawin ka.

Kung natutuwa ka sa ganitong topic, magugustuhan mo rin to http://www.wattpad.com/10382363-bakit-ka-single

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...