Pamahiin ay mga paniniwala ng nakakatanda. Ito ay kadalasan sinusunod at ititunuturo ng mga matatanda sa mas bata pang henersayon.
Marami sa mga paniniwalang ito ay walang malinaw na paliwanag subalit maari pa ring may katotohanan o maganadang idudulot ang pagsunod sa mga ito.
Ang pamahiin ay kadalasang tungkol sa pagiging malas o swerte. Marami sa mga pamahiin ay tungkol sa mga importanteng kaganapan sa buhay ng tao kagaya ng kasal, pagbubuntis, burol o libing.
Maaring magkaroon ng iba't ibang klase o magkasalungat na pamahiin . Ang pamahiin ay maaring magbago bago ng bersyon depende sa lugar at paglipas ng panahon.
Ilan sa mga paniniwala at pamahiin ng mga Pilipino ay may impluwensya ng ibang lahi gaya ng feng-shui ng mga Chinese
Para sa akin wala naman masamang sumunod sa mga pamahiin lalo pa't simpleng bagay lamang ang mga ito pero para sa kin mali ang ipilit ang mga ito sa ibang tao may ibang paniniwala. May pagkakataon na iniisip ko na ang pamahiin ay paraan lamang ng mga matatanda upang mapasunod ang mga kabataan.
Hindi nila sinasabe ang totoong rason pero nailalayo ka pa rin nila sa kapahamakan.
Ang sumusunod ay halimbawa ng pamahiin at mga paniniwalang Pilipino
Huwag maligo sa gabi
Huwag matulog ng
basa ang buhok
May darating na
bisita kapag nalaglag ang kutsara o tinido. Babae kapag kutsara. Lalake kapag
tinidor.
Bawal ang magwalis
sa gabi
Malas ang makakita
ng itin na pusa sa daanan
Kailangan baligtarin
ang damit kapag naliligaw
Bawal ituro ang
bahaghari (rainbow)
Bawal ang kulay pula
sa patay
Tumalon sa bagong
taon para tumangkad
Bawal isukat ang
damit pangkasal
Masamag nakatapat
ang salamin sa paanan ng kama
Masamang matulog na
ang ulo ay nasa kanluran
Bawal ikwento ang
masamang panaginip para di magkatotoo
May mamatay na
kamaganak kapag nanaginip ng nabunot na ngipin
Huwag lilingon sa patay o kabaong habang ito ay nilalabas sa simbahan
Takipan ang mga salamin sa bahay habang may burol
Huwag magpapasalamat sa mga bisita sa burol
Huwag iligpit ang plato habang may iba pang kumakain dahil hindi daw makakapagasawa ang maiiwan sa kainan
Mag-ipon ng 12 bilog prutas sa bagong taon bilang pampaswerte
No comments:
Post a Comment