Infolinks

Showing posts with label salitang batangenyo. Show all posts
Showing posts with label salitang batangenyo. Show all posts

Mga salitang Batangenyo at kahulugan

Eto ay ilan lamang sa malalim na salitang batangenyo o mga salitang sa Batangas lamang karaniwang ginagamit. Sa kamynilaan, maari hindi ito likas na ginagamit at minsan ay hindi naiintindihan o may ibang kahulugan


Guyam - langgam
Lapon - langgam
Mura - buko, young coconut
liban -  1.tawid
             2.absent
tubal - maduming damit
bilot - tuta, maliit na aso
manalapi- barya, sentimo
punggok - maliit
mabanas - mainit
apalya - ampalaya
kulbasa - kalabasa
ista - isda
gulok - itak
papagayo - saranggola
labis - sobra
magpanama - magtama, maging tama, maging magkapareha


Marameng pang salitang batangas sa http://www.salitang-batangas.org/

Malalim na Salitang Batangenyo

Sa Batangas, may mga malalim na salitang Tagalog at mayroong mga salitang sa kapwa Batangenyo mo lan madidinig. May mga salita sa Batangas gaya ng guyam at bilot na di maiintindihan ng ibang Pilipino. Kung meron man makakaunawa sila ay may lahing Batangenyo o malapit sa Batangas kagaya ng Laguna, Quezon, at Cavite.

Magbibigay ako ng ilang halimabawa ng mga salita sa batangas at subukan kong gamitin sa pangungusap

Malalim na Salita sa Batangas

Hapay 
-nakabuwal
-nakatagilid
-bumabagsak
-Hindi na nakatayo ng tuwid

Hindi makadaan sa kalsada ang mga sasakyan dahil sa nakahapay na puno


Liban
-tawid,pagtawid sa daan
-pwede ring 'absent' sa klase

Tara na liban na tayo bago pa dumaan ang malaking trak.



Guyam
-Langgam

Takpan mo ng maiigi ang lalagyan ng asukal para di makapasok ang guyam


Manghinaw
-Maghugas 

Bago ka kumain, manghinaw ka muna ng kamay


Bulungan
-tradisyon kung saan nagtitipon ang mga pamilya at kakilala ng ikakasal para magkaroon ng plano o kasunduan sa kasal.

Pumunta si tatay sa bulungan, sa susunod na buwan na daw agad ang kasal



Ikaw, may alam ka bang salitang batangenyo?



          

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...