Infolinks

Kalamansi, Kalamansi, Kalamansi kayo diyan

Di lang halata, pero isa ang kalamansi sa mga prutas  na araw-araw nating nakikita?
 Bago tayo magpatuloy, kung di mo alam ang itsura ng kalamansi ay sumilip ka muna dito Calamansi Picture

Bakit? Dahil kapag bibili ka ng siomai, pagkaabot mo ng bayad ay aabutan ka ng siomai, toyo at kalamansi.

Kapag bumili ka ng pansit, isang maliit na prutas na may hiwa sa gawing gilid ang ibibigay sa 'yo.
Opo, kalamasi po iyon. Pigain mo daw para pampalasa sa pansit.

At kapag nauhaw ka, aalukin ka ng Calamansi Juice. Picture pa din ng calamansi ang  makikita mo sa
plastik na boteng lalagyan.

At dahil araw-araw tayong umiinom at kumakain, sobrang laki ng tsansa na makakita ng kalamansi araw-araw.

Di maitatangi na ang kalamansi ay tatak Pilipino na.  Di ako magtataka kung ang kalamansi ay isa sa mga kumandidato bilang pambansang...pambansang prutas.   Siguro nga  ay dikit lang ito sa mangga bilang pambansang prutas.

Trivia: Merong tinatawag na Luz Calamansi. Ang Luz Calamansi ay may mas makatas at may mas kakaunting buto kaysa sa ordinaryong kalamansi

Marami pang ibang kwento, aral at gabay ang makukuha sa pahinang ito Kalamansi Farm

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...