Infolinks

Paano Kumita sa Internet

Maraming paraan para kumita sa internet basta may talento at sipag ka lang.
Pwede mong subukan ang mga sumusunod.

1. Pagbebenta or Buy and Sell
   Pwede kang gumawa ng account sa OLX na mas sikat sa tawag na Sulit at magsimulang magbenta  ng mga bagay na kinahihiligan. Magandang magbenta ng mga bagay na talagang gustong gusto mo para madali mong maipapaliwanag, maipagmamalaki ang mga produkto at para madali mong mahikayat ang mga customers.

2.Paggawa ng Blog at Ads
  Pwede kang gumawa ng blog at lagyan to ng mga espasyo para sa advertisements .
  Ilan sa maari mong subukan ay ang Nuffnang, Infolinks at ang sikat na sikat na google adsense

  Kikita sa pagboblog dahil sa sarili mong gawang blog ay maglalagay ang google, nuffnang o infolinks ng adevertisement ng ibang kompanya. Halimbawa, nagsulat ka tungkol sa tips sa pagpili ng shampoo. Matapos mong ipost ang entry, sa gawing gilid, itaas o ibaba ay may lalabas na advertisement ng sikat na shampoo halimbawa ay Head and Shoulders na nilagay ng google adsense.

Kikita ang google, infolinks, nuffnang mula sa mga kompanyang nagpopromote ng kanilang serbisyo o produkto at parte ng kikitain nila ay ibibigay naman nila sa yo.

Mas maraming bisita sa iyong blog ay mas marami kita. Kadalasan ang bayad ay base sa dame ng bisita ng blog mo o kaya ay sa dame ng pumindot ng advertiosement sa blog mo

3.Online Tutor
  Maari ka ding maging tagapagturo ng English or Math sa anumang sulok ng mundo.
  Hindi lang major subject ang pwede mong ituro. Pwede ka ding magturo ng pagkanta, paggitara at kung anu-ano pang talento mo sa buhay.

4. Freelancer
   Gaya ng pagiging tutor, pwede mo ring ibenta ang iba pang mga talento kagaya ng editing, programming, creative writing


5. Typing/Translator
    Eto ang isa sa kauna-unahang trabaho na pwede mong gawin sa computer at internet. Nakakapagod     eto pero tiyak ang kita basta masipag



6. Stock Trading
   Kung meron kang sapat na puhunan at kakayahan, maari ka ding maging trader online at kumita ng    pera.

Maging maingat sa paggamit ng internet. Mag-ingat din sa mga manloloko. Tandaan  na walang gawain na magbibigay sa 'yo ng malaking pera sa maiikling panahon. Kung meron naman ay napakadelikado.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...