Bawat taon ay pinagdiriwang ang buwan ng nutrisyon. Bukod sa patimpalak para sa mga pinakamalulusog na bata, parada ng mga masustansyang prutas at gulas, paggawa ng poster, isa rin sa sa mga gawain ay ang pag-gawa ng slogan,
Ang slogan ay isang kasabihan o motto. Nagkakaroon ng paligsahan sa paggawa ng slogan sa nutrition month para maibahagi sa lahat ang kahalagan ng nutrisyon.
Ilan sa mga halimbawa ng slogan o kasabihan sa nutrisyon ay ang mga sumusunod
1. Ang Kalusugan ay Kayamanan
2.Kumain ng Itlog at Ikaw ay Bibilog
3. Ang kalusugan ay dapa ingatan
Nang sakit ay maiwasan
4.Ang malusog na pangagatawan
Ay kayamanan ng pamayanan
5. Ang taong malusog
Sa biyaya ay nabubusog
6.Sakit ay maiiwasan
Kung malinis ang kapaligiran
7. Ang taong marunong kumain ng gulay
Humahaba ang buhay
Heto naman ang mga tema (theme) ng nagdaang buwan ng nutrisyon
Kalamidad paghandaan: Gutom at malnutrisyon agapan! (2014)
Gutom at malnutrisyon, Sama-sama nating wakasan (2013)
Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain! (2012)
Isulong ang BREASTFEEDING - Tama, Sapat at EKsklusibo! (2011)
Sa pagkaing tama at sapat, wastong timbang ni baby ang katapat (2010)
Basahin ang iba pang nagdaang paksa sa buwan ng nutrisyon ng mga nakaraang taon sa http://mindnetworks.blogspot.com/2014/12/nutrition-month-theme-2001-2010.html
No comments:
Post a Comment