Bagong Taon na naman. 2015 na. Marami sa atin ang maghahanap ng bagong buhay, bagong pag-asa, bagong simula, bagong negosyo.
Para sa akin, ang pinakamainam na negosyo ay may kaugnayan sa pag-kain. Bakit? Nadinig ko lang ang dahilan mula sa iba pero sobrang simple kaya madali ako naniniwala. Dahil lahat ng tao nagugutom. Ang karaniwang tao kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Mayaman man o mahirap kailangan pa rin kumain. Maari kang hindi bumili ng damit sa loob ng isang taon pero sa loob ng isang araw napakahirap kapa hindi bumili ng pagkain.
Noong isang taon, nagbigay kaalaman ang GMA7 ukol sa mga patok na negosyo ng 2014
Naniniwala ako na patuloy pa rin sa paglago ang mga business na nabanggit nila sa taong 2015 gaya ng online shops at serbisyo may kinalaman sa gawaing bahay pero mas gugustuhin ko pa rin ang may kaugnayan sa pagkain gaya ng food trucks at vendo machines.
Isa ang demand sa dapat mong pagtuuunan ng pansin pero alamin mo rin ang mga bagay na malapit sa iyong puso. Ano ba talaga ang interes mo ? Ano ang pasyon (passion) mo sa buhay? Ano ang mga bagay na magiging masayang kang gawin kahit na maliit ang pagkita?
Minsan nakapagtanong ako sa isang propesyonal. Ano ba ang magandang trabahong may malaking pagkita? Simple lang ang sagot niya sa akin .. Follow your heart and the money will flow.
No comments:
Post a Comment