Ang sarap talaga mag food trip. Lalo na yung mga di mo pa natatry tulad ng mga exotic foods.
Yun nga lang may iba na hindi fan ng exotic food or exotic meat kaya mahirap makahanap ng kasama. Ang dami dami pa naman exotic meat na pede itry sa Pinas. Sayang naman. Kailangan maconvice yang di kumakain. Sayang ang pagkain!
Siguro baka nandidiri sila o natatakot sila. Baka iniisip nila 'di masarap.
Para mawala ang takot, kailangan iconvice natin sila sa lasa. Kailangan makarelate sila sa lasa
Ang Menu
Bayawak
Sawa
Buwaya (Crocodile)
Palaka (Frog)
Ang Review
Bayawak, Tasty. Masarap lasang chicken!
Sawa, Delicious. lasang chicken!
Buwaya Meaty, lasang chicken!
Palaka Crispy, lasang chicken!
Ang Reaction ng Friend mo
1.Teka, lahat lasang chicken! Bakit lahat lasang chicken?
2.Kung lahat lasang chicken bakit di yan sineserve sa Jollibee o kaya sa Mcdo ?!
3.At bakit wala pa kong narinnig na ang chicken lasang bayawak o lasang palaka?
4.Imposible lasang chicken.Nag dissect ako ng palaka nung HS, walang chicken sa loob! Wala, Wala. Langaw meron, meron!
5.Yung buwaya, kumakain yan ng chicken at ako kumakain din ng chicken pero di naman ako nagaamoy at naglalasang chicken!
Sa huli tititkim din yang friend mo kung macoconvince mo at dadagdag na siya sa mga taong nagreview ng lasang chicken!
Hmm masarap naman, Anong lasa? Parang ano ... parang lasang chicken
Bayawak, Tasty. Masarap lasang chicken!
Sawa, Delicious. lasang chicken!
Buwaya Meaty, lasang chicken!
Palaka Crispy, lasang chicken!
Kung mahina ang convinving power at chicken ang power mo, may paraan pa para kumain kayo ng exotic food ng magkasama. Pero huwag mong ipagkakalat dahil eto ang tinatawag na the secret move
The Secret Move
1.Keep Quiet
Huwag mong ipagkakalat to dahil eto ang tinatawag na the secret move. Ano ito? Simple lang i-secret mo sa kanya kung ano ang pakain. Anong epekto nito? Matutupad ang mantra na kung anong nakahain sya ang kakainin.
2.Eat
Huwag magtitira dahil marame ang nagugutom.
Kung may tira ka, di naman mawawala ang gutom ng mga walang makain pero kung mabubusog ka, bawas na ng isang gutom.
Sige kain lang. Don't Speak when your mouth is full.
3.Enjoy
Stretch, Stretch, at Inom din ng tubig
3.Ask
I-check mo na lang sa friend mo kung masarap ba? Itanong kung anong lasa? Chicken ba?
4.Laugh
Same lang to ng number 3, mas iiexpress mo pa ng konti
Hindi ko alam kung bakit naglalasang chicken o bakit sinasabeng lasang chicken ang exotic meat. At may isa pa kong katanungan. Bakit ba mas sikat ang exotic meat kesa sa exotic vegetable? Wala nga yatang exotic vegetable sa Pinas eh. Kawawa nama ang mga vegetarian. O baka naman sa paningin ng mga pinoy lahat ng gulay ay exotic !! Mabuti na lang dahil kahit walang sikat na exotic vegetable mero namang exotic fruits! Walang makakatalo sa Durian! Di mo pa natry? Try mo, Lasang chicken!
No comments:
Post a Comment