All about Philippine culture, Philippine foods, literature,plants and animals, events and travel destinations
Bugtong tungkol sa hayop (Riddles)
Here are some Filipino riddles where animals are the answer
Isang natatanging hayop and sagot sa bawat bugtong sa ibaba
1.Mataas kapag nakaupo, mababa kapag nakatayo
2.Maganda ang tindig, kahit mahaba ang buhok sa puwit at liig
3.Matakaw man at madungis,mamula mula pa rin ang kutis
4. Kapitbahay kong malupit
Dalawang tinidor ang gamit
makakain lang ng pansit
5. Nang mahuli ang mailap na si Pedro
Sa halip na sa bangko, sa plato na lang pinaupo
6. Sa umaga ay mahirap makita
Sa gabi ay kikindat kindat na
7. Kaibigan kong babagal bagal
Takutin mo't kaybilis
magtago sa bahay
Mga Sagot:
1.Aso
2.Kabayo
3.Baboy
4.Manok
5. Manok
6.alitaptap
7.pagong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment