Infolinks

Bugtong na may Sagot

Bugtong are riddles from the Philippines. Here are some examples of 'Bugtong'

1.Hayan na si Kaka, Pabuka buka
  Sagot: Gunting

2.Hayan na, hayan na, Di mo pa nakikita
   Sagot: Hangin




Kaya mo pa bang sumagot ng mga bugtong?  Can you continue answering ? Do you want some more riddles?  Level 2 will be available Soon


Bugtong na may larawan Langgam
Langgam


1. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore
Sagot: Langgam


2.Sa paggising ay nauuna, wala namang pasok sa umaga
Sagot: Tandang




3.Hayan na Hayan Na, Malayo pa ay humahalakhak na
  Sagot: Alon

4.Bugtong bugtong, magkakarugtong
  Sagot:Kadena

5.Kaisa-isang plato, Kita sa buong mundo
   Sagot: Buwan

6.Limang punong niyog, iisa ang matayog
  Sagot: Niyog

7.Buto't Balat, Lumilipad
  Sagot: Saranggola

8.Dalawang balong malalim, malayo ang nararating
  Sagot: Mata

9.Maliit pa si Nene. Marunong nang manahi
   Sagot: Gagamba

10.Isang butil na palay, abot sa buong bahay
Sagot: Ilaw



Mga Bagong Bugtong

Kutsarang kayliit liit
Kapag sumabit, pagkasakit sakit
Sagot: Ear pick, ear scoop, ear spoon


Ikinukusot kusot matapos iipot
Sagot:Shampoo


Abnormal na kutsara
parang pitsel kung umasta
Sagot: Tabo

Pabilog man o kwadrado
ang aking bato
pagkabango-bango
Sagot: Sabon

Ipot na di mo nga nahawakan
Iyo namang nalasahan
Sagot: Toothpaste


Kaharap kong mahangin
Wala nang ginawa kung di umiling
Sagot: Electric Fan


Masakit sa puwit
Pero pwede sa damit
Ano itong pagkainit-init
Sagot: Plantsa

Sa aking nabiling maliit na kuwarto
Kasyang-kasya maging sanlibong katao
Sagot: Telebisyon


Kumot ko sa bahay
Araw-araw nakasampay
Sagot: Kurtina

Buong bahay tumili at nagluksa
Nang sa gabi, sya ay nawala
Sagot: Kuryente




No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...